Monday, October 15, 2012

Right People + Small Steps Of Learning = SUCCESS


Aalis ako mamaya to meet up with a National Bookstore Bestselling Author, Mr. Ardy Roberto, and ten of the aspiring writers or authors!

I’ve read his bestselling book: Ang Pera Na Hindi Bitin, Look at the Photo Below:
Nakaka-inspire ang mga kuwento niya sa buhay noong when he was still buried in debt, at nagkasunod sunod yung mga pagsubok sa mga in-start niya na mga negosyo, I can just relate.

When I met up with him together with the rest of the writers-to-be, he advised na, kahit noong una, he wrote five books, and three may flop. Meron pa nga siya na naisulat na Book for the Sales People, well in straight english at tungkol sa Selling, pero yung book na yun hindi masyado successful! Hehehe
But when he wrote ang Pera na Hindi Bitin! Tag-lish pa, in simple paper, tiny thin book, for 50 Pesos only! And it sold Millions!
Isa sa mga kuwento duon sa libro, tungkol sa pagbili niya ng isang klase ng libro sa isang bookstore about “How to be a Millionaire”, ang book binayaran niya ng P275! Sabi ng bagger na nag-balot ng pinamili niyang libro, “Sir, pahiramin mo ko pagkatapos mo basahin ah!”
Sabi niya sa bagger staff, “Eh ikaw bakit di ka bumili, hintayin mo pa ko matapos, at basahin mo?”
Sabi nung bagger staff, “Kasi sir, eh ang mahal naman eh!”
Sabi niya sa sarili niya, how would he try to improve on himself or his finances kung hindi mag-invest ng karunungan para bumili lang ng 275 pesos na libro!
But then, he realized, he should have not judged, kasi baka nga naman bibili siya ng libro, sobrang mahal na talaga para sa kanya yun, sa isang araw na pinambili niya na pamasahe pala niya pauwi ng Cavite, o pangkain or pambili ng ulam ng pamilya niya pauwi!

Kaya gumawa siya ng murang murang libro na 50 Pesos lang, napakadaling intindihin in Tag-lish! At makakatulong sa buhay pinansiyal mo dahil may mga personal stories of challenges and success and tried and tested tips na madaling sundin at i-apply sa buhay ng simpleng tao!
May kamahalan man ang halaga, o mura basta gumagawa tayo ng paraan para mag-invest sa ating karunungan, thru Books, or Ebooks, DVDs, or kahit seminars, iyon ang mas mahalaga!

Like riding a bicycle when you’re still a kid, at hirap na hirap ka noon, parati kang natutumba sa pagpapatakbo, pero kalaunan after a few weeks na araw araw ka nag pa-practice, you learned din at kahit nakapikit at hindi nakahawak, nakakapag patakbo ka pa rin ng Bike mo, ang bilis pa!
Or when you were still very slow in typing in the keypad noong Oldskool pa ang computer niyo! Eh ngayon eh, kahit nakapikit, ang bilis bilis mo na mag type, kahit sa touchscreen na QWERTY, sanay na sanay ka na!
Tulad rin yan ng any skills you want to learn, kahit anuman ang edad mo, if you will start and learn and practice, matututunan mo rin for example:

1.       Ang tamang pag-invest sa Stock market

2.       Mag-drive ng Car at magka- lisensya

3.       Magsulat at Mag-publish ng Iyong Libro

4.       Maging lisensiyadong Massage Therapist

5.       Maging Entrepreneur at mag-open ng mga Business!
  
Hindi lang iyon! Iba ang nag self teach at mag-isa kang nag aaral, yes there will be improvement, slow, steady and gradual! 1...2...3...4...5...6
 Pero gusto mo ba na mag Leap from 1... Jump to 6... Then to 10! That fast at mag accelerate ang iyong learning, then surround yourself with the right people!
 It's Quantum Growth or Leap for Improvement! If you speak, eat with or be friends with people that share your values, people who are better than you, people who you can learn with, people who will advise you not to commit the same mistakes na nagawa na nila para mas mapadali ang tagumpay mo!
Thanks for reading, and hope for your continuous learning!
 
The above blog post is brought to you by Rowena Yap, who enjoys helping people get an extra income on the internet. For more information, please visit http://www.viloria.net/swa-pinoy/swa-rowenadyap.html


Connect with me through Facebook.
Want to learn how to earn online? Then, Click Here.

No comments:

Post a Comment